CAFGU nag-suicide sa kampo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na matinding problema ang kinakaharap ng isang 24-anyos na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) kaya nagdesisyong mag-suicide sa loob ng kampo sa Barangay Caranan Pasacao, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Bicol Medical Center si Joel Nuñez matapos na magbaril sa sarili habang natutulog ang ibang kasamahan.

Ayon sa ulat, bago pa naganap ang suicide ay nakitaan na ang biktima na walang kibo at matamlay may ilang araw na ang nakalilipas.

Bandang alas-8:25 ng gabi nang biglang umalingawngaw ang malakas na putok at agad namang tinungo ang kinaroroonan ng biktima.

Kahit na duguan ang biktima ay mabilis na isinugod sa nasabing ospital pero hindi na umabot pa ng buhay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments