6 pumatay sa trader kinasuhan na ng NBI
July 19, 2003 | 12:00am
CABANATUAN CITY Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na magkamag-anak na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang negosyante noong Hunyo 28, 2003 sa Bonifacio Street, San Jose City.
Ang mga suspek na ngayon ay nagtatago ay nakilalang sina Florentino "Tino" Afable, Jerwin Afable, Rollie Afable, Oliver Afable, Ian Afable at Victor Afable na pawang residente ng Sto. Niño 1st, San Jose City.
Ayon kay Pedro C. Roque Jr., hepe ng NBI-Nueva Ecija, pinagtulungang barilin hanggang sa mapatay ang biktimang si Thomas Potter Jr., samantala, ang live-in partner na si Virginia "Gigi" Esteban ay masuwerteng nakaligtas.
Base sa record ng NBI, nag-ugat ang pamamaslang kay Potter matapos na gulpihin ng biktima ang tinedyer na kamag-anak ng Afable.
Simula noon ay pinagbantaan na ang magka-live-in hanggang sa isagawa ang pamamaslang sa harap ng kanilang tindahan sa nasabing barangay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest