Ang proyekto ay pormal na inilunsad ni Department of Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan sa pakikipagtulungan ng Solar Power Technology Support (SPOTS).
Bukod sa solar electrification project, maglalagay din ng programang pangkabuhayan ang pamunuan ng DAR katuwang ang mga dayuhang Hapones para asistihan ang Mindanao Sustainable Settlements Area Development (MINS-SAD) sa mga barangay na sakop ng bayan ng San Jose, Dinagat at Tubajon.
Aabot naman sa 2,771 magsasaka ang mabibiyayaan ng infrastructure support services na nagkakahalaga ng P59 milyon.
Kabilang sa mga proyekto ay ang pagtatayo ng eskuwelahan, healthcare facilities, farm-to-market roads, irrigation projects, portable water facilities at pagtatayo ng kooperatiba para sa magsasaka. (Ulat ni Pamela Samia)