25 estudyante sinapian ng masamang espiritu
July 10, 2003 | 12:00am
BAGABAG, Nueva Vizcaya Aabot sa 25 estudyante ng Tuao National High School na pawang mga kababaihan ang iniulat na sinapian ng masamang espiritu makaraang maglaro ng "spirit of the coin" sa Barangay Tuao ng bayang ito noong nakalipas na linggo.
Dahi sa hindi maipaliwanag na pangyayari sa mga estudyante ay napilitang suspindihin ang lahat ng klase sa nabanggit na eskuwelahan sa takot na masaniban din ang ibang mag-aaral.
Ayon kay Joel Fariñas, 2nd year high school adviser na agad silang nagpatawag ng emergency meeting sa lahat ng guro at mga magulang ng estudyante para alamin ang mga nagaganap na pangyayari sa loob ng nasabing eskuwelahan.
Napag-alaman na ang mga sinapiang estudyante ay nagtataglay ng kakaibang lakas na halos di maawat ng mga kalalakihan, ang iba naman ay nanghahabol at namamalo ng matigas na bagay sa mga kasalubong na estudyante.
Ayon kay Fariñas na ang ibang estudyante ay naglalakad na parang zombies kaya tuloy napilitan silang tumawag ng albularyo.
Sinabi ng albularyo na nabulabog ang mga kaluluwa na nananahimik at kailangan mag-alay ng itim na baboy sa ritwal na gagawin.
Kahapon ay nagsagawa ng ritwal pero nagbabala ang albularyo sa mga guro, samantala, tumanggi namang magbigay ng detalye si Dr. Orlando Vicente sa mga nagaganap na pangyayari sa kanyang eskuwelahan. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest