4 Butuan-PNP kakasuhan ng murder
July 9, 2003 | 12:00am
BUTUAN CITY Pormal na kakasuhan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakabase sa Caraga Region ang apat na pulis-Butuan matapos na madiskubre ang bangkay ng isang 15-anyos na batang lalaki na kanilang tinortyur noong Hunyo, 29, 2003.
Sinabi ni Benjamin Magtoto, NBI special investigator, na si Rey Dejarme ay biktima ng summary execution bago pinahirapan makaraang damputin ng mga apat na pulis noong gabi ng Hunyo 28 sa kasong pagnanakaw.
Lumalabas sa police blotter ng pulisya, si Dejarme, kasama si Winnie Orcullo Lazare, 19, ng Purok 2-B, Barangay Taglatawan, Bayugan, Agusan del Sur ay dinampot ng apat na pulis-Butuan bandang alas-7:45 ng gabi.
Bandang alas-2 ng madaling-araw nang maitala sa police blotter na may nadiskubreng bangkay ng bata sa Villa Kanangga Road, Butuan City.
Nagtamo ng maraming saksak sa dibdib ang biktima bukod pa sa tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng ulo at tinalian pa ng kawad ng kuryente ang leeg kaya lumabas ang dila ng bata.
Positibo namang kinilala ng mga kamag-anakan ang bangkay ng biktima na si Dejarme na maraming paso ng upos ng sigarilyo sa buong katawan.
Mariing ipinahayag naman ni Caraga Police Regional Director Alberto Rama Olario na mananagot ang sinumang kagawad ng pulisya maging opisyal man na nasa likod ng karumal-dumal na krimeng naganap. (Ulat ni Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest