Sinabi ni Elsie Amil, hepe ng Department of Social Welfare and Development sa Maguindanao, apektado rin ang P40 milyon pananim na palay at gulay kaya agad naman nagpalabas ng P1.8 milyon relief goods para sa mga nagsilikas.
Kabilang sa naapektuhan ng tubig-baha ay ang bayan ng Paglas, Buluan, S.K. Pendatun, Datu Piang, Mamasapano, Talitay, Sultan Kudarat, Shariff Aguak, DOS, Kabuntalan, SSB, Buluan at Paglat. (Ulat ni John Unson)