^

Probinsiya

3 menor-de-edad ginulpi ng mga tanod

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Tatlong menor-de-edad na napagkamalang magnanakaw, habang namumulot ng mga pira-pirasong bakal sa loob ng subdivision ang iniulat na pinagtulungang gulpihin at pahirapan ng mga barangay tanod kahapon ng umaga sa Barangay Malagasang 2-B, Imus, Cavite.

Magkakasamang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Christopher Atutubo, 13, estudyante; Eman Denden Tomas, 15; at Rowell Tolentino, 13, na pawang residente ng Dasmariñas, Cavite.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Ronquillino Quintanilla, alyas Putol; Roy Vargas, alyas Hepe; dalawang nakilala lamang sa alyas na Benjie at Kiko na pawang barangay tanod ni Barangay chairman Eduardo Sauler.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Melanie Lobusta, bandang alas-10 ng umaga nang mamulot ng mga pirasong bakal at bote ang mga biktima sa Grandville Subdivision sa nasabing barangay.

Namataan ng mga suspek ang tatlong biktima kaya sinita nila sabay tinutukan ng baril bago pinagtulungang gulpihin. Matapos ito ay dinala ang mga biktima kay Sauler saka pinagbunot ng damo sa harapan ng bahay.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, pinakain pa ang mga biktima ni Sauler, ngunit pinagbantaan bago pinauwi bandang alas-6 ng gabi.

Isinama sa reklamo ng mga biktima si Sauler dahil sa ginawang pagbabanta sa kanilang buhay. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

CHRISTOPHER ATUTUBO

CRISTINA G

EDUARDO SAULER

EMAN DENDEN TOMAS

GRANDVILLE SUBDIVISION

MELANIE LOBUSTA

SAULER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with