Koreano nag-suicide
July 5, 2003 | 12:00am
SAN MIGUEL, Bulacan Isang South Korean national na hinihinalang nag-suicide ang natagpuang patay sa inuupahan nitong apartment na may tama ng bala sa ulo kamakalawa.
Ang biktima ay nakilalang si Sang Lee, 31, binata, seaman at 5 araw pa lamang nangungupahan sa apartment ni Ricardo Garcia sa Barangay Buliran ng bayang ito.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may isang tama ng bala sa ulo na naglagos sa noo nito ang biktima mula sa isang kalibre 45 baril.
Ayon sa mga residente, nitong Huwebes ng hapon ay nakarinig sila ng putok ng baril mula sa nasabing apartment hanggang sa makitang patay na ang dayuhan sa likod bahay nito.
Inaalam pa ng pulisya kung nagpatiwakal o pinatay ang nasabing Koreano. (Ulat ni James Mananghaya)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest