^

Probinsiya

Policewoman,3 pa tiklo sa pot session

-
BIÑAN, Laguna – Isang policewoman at tatlong iba pa ang naaresto ng mga awtoridad sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang bahay kahapon sa Barangay Platero ng bayang ito.

Kinilala ni Chief Superintendent Jaime Caringal, Calabarzon regional director, ang mga nadakip na sina PO1 Joanna Marie Menorca, biyuda, nakatalaga sa Lipag police station; Crispin Sarmiento, 41; Guilbert Atienza, 28 at Gloria Calimlim.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon ng makatanggap ng impormasyon ang pulisya na mayroong nagsasagawa ng shabu session sa isang bahay sa Barangay Platero hanggang sa salakayin ito ng mga awtoridad.

Nahuli sa akto ang policewoman at 3 kasama nito na sumisinghot ng shabu.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga ito ang isang plastic na naglalaman ng shabu, aluminum foil at improvised tooter.

Kasalukuyang nakakulong sa Biñan police detention cell ang mga suspects habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito.

Siniguro naman ni C/Supt. Caringal na masisibak sa serbisyo si PO1 Menorca dahil sa nahuli ito sa aktong sumisinghot ng ipinagbabawal na droga. (Ulat ni Ed Amoroso)

AYON

BARANGAY PLATERO

CALABARZON

CHIEF SUPERINTENDENT JAIME CARINGAL

CRISPIN SARMIENTO

ED AMOROSO

GLORIA CALIMLIM

GUILBERT ATIENZA

JOANNA MARIE MENORCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with