^

Probinsiya

Napagtripan sa sayawan pinatay

-
LOPEZ, Quezon – Isang 41-anyos na magsasaka ang napagtripang gulpihin at saksakin ng tatlong lalaking senglot habang ang biktima ay nasa kalagitnaan nang pagsasayaw sa Barangay Lalaguna ng bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Magsaysay District Hospital si Dante Arroyo, samantala, isa sa mga suspek na si Fernando Quisito, 42, barangay tanod ay agad namang nadakip at sina Domingo Quisito at Nerio Alano ay tinutugis ng pulisya.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Raul Paraiso na namataan ng mga suspek ang biktima na nagsasayaw habang nagpapalakpakan naman ang mga nakapaligid na kababaihan kaya pinagtulungang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay.

May teorya ang pulisya na nakainggitan ang biktima ng mga suspek na lango sa alak dahil sa mahusay itong magsayaw. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY LALAGUNA

DANTE ARROYO

DOMINGO QUISITO

FERNANDO QUISITO

IDINEKLARANG

ISANG

MAGSAYSAY DISTRICT HOSPITAL

NERIO ALANO

RAUL PARAISO

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with