Miyembro ng Coast Guard todas ng sekyu
June 28, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ng security guard makaraang magtalo ang dalawa sa pinag-uusapang isyung politikal sa pantalan ng Culasi na sakop ng Sitio Puntaque, Ajuy, Iloilo kamakalawa ng gabi.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Eduardo Bernales, 47, ng Culasi Coast Guard Detachment at residente ng Mina Potolan, Iloilo, samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Ernesto Sudario, security guard sa pantalan ng Culasi.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari bandang alas-6:30 ng gabi makaraang magtalo ang dalawa na humantong sa madugong wakas. (Ulat Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest