Mga gusaling pasasabugin ng MILF nasilat
June 23, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Naudlot ang planong magpasabog ng mga gusali ang grupo ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang maikling engkuwentro at madiskubre ng tropa ng militar ang kilu-kilong pulbura sa liblib na bahagi ng Barangay Payan, Kabuntalan, Maguindanao noong Sabado ng hapon.
Kabilang sa natagpuan ng mga tauhan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ay 450 kilong C4, 182 kilong pulbura na nakalagay sa dalawang lata, kahon at sako, mga bahagi na gagamitin para makabuo ng malakas na bomba.
Sa ulat na isinumite ni Armys 6th Infantry Division chief Major General Generoso Senga sa Camp Aguinaldo, maaaring makapag-assemble ng 700 pangkaraniwang bomba na ginagamit ng mga rebelde sa pag-atake laban sa tropa ng militar.
Sinabi pa ni Senga na kayang pabagsakin ng mga nadiskubreng pulbura ang sampung palapag na gusali kapag ito ay na-assemble na may timing device.
Bago pa madiskubre ang kilu-kilong pulbura ay nakasagupa ng tropa ng militar ang hindi nabatid na bilang ng rebeldeng MILF sa nabanggit na barangay hanggang sa magsiatras sa ibat ibang direksyon.
Napag-alaman pa na habang sinusuyod ng militar ang lugar na kinaganapan ng engkuwentro ay natagpuan ang mga pampasabog.
May posibilidad na inihahanda ng mga rebelde ang mga pambasabog para maghasik ng sunud-sunod na karahasan sa Central Mindanao at ang puntirya ay mga gusali. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest