Barangay chairman itinumba
June 18, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa na naman barangay chairman ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad papauwi saTudela, Misamis Occidental kamakalawa.
Halos magkabutas-butas ang katawan ng biktimang si Delio Cagas ng Barangay Colambutan Settlement ng nasabing bayan.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang krimen bandang alas-12:30 ng madaling-araw habang ang biktima ay papauwi ng kanilang bahay mula sa Barangay Hall.
Sinalubong at hinarang ang biktima ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng NPA at pinaputukan ng sabay-sabay.
Bukod kay Cagas na ikaapat sa barangay chairman ang naiuulat na napapatay ng mga rebelde ay naunang itinumba si Danilo Onsing ng Barangay Maliwag, Maigo, Lanao del Norte noong Hunyo 4, 2003.
Isinunod naman sina Fidel Tepaet ng Barangay Poblacion, Dimasalang, Masbate noong Hunyo 9 at Rogelio Cailo ng Barangay Tigbawon, Gandara, Samar noong Hunyo 15, 2003.
May palagay ang pulisya na pagsalungkat sa makakaliwang kilusan ang ugat para paslangin ang mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest