Lolo kinatay ng apo
June 17, 2003 | 12:00am
MAUBAN, Quezon Dahil sa masidhing maangkin ang lupaing sinasaka ay nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang 69-anyos na lolo ng sariling apo sa plantasyon ng niyog sa Barangay Soledad sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Animoy kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Alfredo "Fred" Lazardo, magsasaka matapos na katayin ng kanyang apong si Michael Ocampo, 21, na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya sa bayang ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Wilmor Abang, bandang alas-2 ng hapon nang magkasamang nagtungo ang mag-lolo sa plantasyon ng niyog sa nasabing barangay.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na hinihimok ng suspek ang kanyang lolo na ibigay na sa kanila ang sinasakang lupain pero mariing tumanggi ang biktima.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang pinagtataga ng suspek ang sariling lolo hanggang sa mapatay bago tumakas.
Sa isinagawang follow-up operation ay agad namang nadakip ng pulisya ang suspek at kinasuhan na ng parricide.
May palagay ang pulisya na nagdilim ang pag-iisp ng suspek kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen o kaya naman ay lango sa droga si Ocampo.(Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Tony Sandoval | 11 hours ago
Recommended