^

Probinsiya

8 shoplifter nasakote

-
BOCAUE, Bulacan – Walo-katao na pinaniniwalaang maninikwat sa mga malalaking tindahan sa Central Luzon ang iniulat na nalambat ng pulisya makaraang maaktuhang nangungumit ng iba’t ibang uri ng paninda sa convenience store sa kahabaan ng MacArthur Highway na sakop ng Barangay Biñang Second sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Rowena Liwanag, 24; Myrna Abuel, 57; Roy Mendoza, 30; Ruben Solis, 40; Ruben Decera 42; Alberto Baybayon, 55; Edgardo Macasiar, 29 at Reynaldo Javier, 49 na pawang mga residente ng Maynila, Quezon City at Makati City.

Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Supt. Robert Quenery, police chief ng Bocuae, magkakasamang pumasok ng Miljoy & Sons store ang mga suspek at nagpanggap na kliyente.

Dalawa sa suspek ang nagkunwaring kinausap ang dalawang tindera habang ang anim ay palihim na ibinubulsa ang mga nakulimbat na paninda pero namataan naman sila ng ilang nagbabantay sa tindahan kaya agad na humingi ng saklolo sa pulisya.

Aktong papalabas ang mga suspek sanasabing tindahan ng masalubong ng pulisya.

Narekober ang mga kinulimbat na paninda sa loob ng Tamaraw FX na may plakang PXP-672 na ginagamit ng mga suspek sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Efren Alcantara)

ALBERTO BAYBAYON

BARANGAY BI

CENTRAL LUZON

EDGARDO MACASIAR

EFREN ALCANTARA

MAKATI CITY

MYRNA ABUEL

QUEZON CITY

REYNALDO JAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with