Ang mga biktimang sina Bert Quizada at Danilo Rodilla ay binawian ng buhay sa Dr. J. P. Rizal Hospital habang sina Jaime Teclaro at John Pialago ay namatay sa Calamba Medical Center.
Ginagamot naman sa nasabing ospital sina Vic Regelio at Diego Peralta dahil sa malubhang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang mga biktima ay pawang tubong Boac, Marinduque at stay-in construction worker sa ginagawang eskuwelahan sa nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Alex Marasigan, naitala ang oras ng pangyayari bandang alas-11:30 ng gabi matapos na tumawid ang delivery truck (UCB-366) ng mga biktima sa riles ng tren sa nabanggit na barangay.
Ayon naman kay SPO1 Marcelino Ramiro, may railroad warning sign bago tumawid ang mga sasakyan pero walang nagsisilbing bakod kapag may dumaraang tren.
Napag-alaman na lango sa alak ang driver ng delivery truck kaya binalewala nito ang malakas na busina ng tren patungo sa rehiyon ng Bicol mula Maynila at nagpumilit pa ring tumawid.
Dito na nahagip ang trak na patungo sana sa Kapayapaan Ville, Canlubang, Laguna kaya tumilapon ng may ilang metro at napuruhan agad ang apat na obrero.
Walang ulat na Hindi naman nabatid kung ang tren na nakasalpok sa truck ay tumigid para matulungan ang mga biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)