^

Probinsiya

Kagawad pinatay sa loob ng bahay

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang naging dahilan para ipapatay ang isang konsehal ng barangay sa sariling bahay sa Barangay Burol Dos, Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Juanito Calalang, 56, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Samantala, ang suspek na binayaran para pumatay ay nakilalang si Francisco Reyes ng Barangay Santol ng bayang ito.

Dinakip din ng mga tauhan ni P/Supt. Arthur Felix Asis, ang utak sa krimen na sina Napoleon Palaruan, 48; asawang si Teresita, 49 at anak nilang si Vladimir, 24 na pawang naninirahan sa nasabing lugar.

Ayon sa pagsisiyasat, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima sa balkonahe ng kanyang bahay habang nagpapahinga bandang alas-7 ng gabi.

Napag-alaman pa sa pulisya na may ilang taon nang pinag-aawayan ng dalawang angkan ang maliit na lupain sa Barangay Burol Uno at hindi malaman kung sino nga ang dapat na umangkin.

Dahil sa matinding galit ng pamilya Palaruan sa biktima ay nagbayad ito ng malaking halaga para ipapatay si Calalang para masolo ang pinagtatalunang lupain, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

AYON

BARANGAY BUROL DOS

BARANGAY BUROL UNO

BARANGAY SANTOL

BULACAN

EFREN ALCANTARA

FRANCISCO REYES

JUANITO CALALANG

NAPOLEON PALARUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with