Pasahero ng M/V San Nicolas lumutang sa dagat ng Bulacan

PAOMBONG, Bulacan – Isang bangkay ng batang babae na pinaniniwalaang naging pasahero ng lumubog na M/V San Nicolas ang lumutang sa baybaying-dagat na sakop ng Sitio Bitas, Barangay Sta. Cruz sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ni P/Supt. Osmar Israel, police chief sa bayang ito, nadiskubre ang bangkay na nakasuot pa ng life jacket na may tatak na Super Ferry.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkikilanlan ng naaagnas na bangkay ng batang babae na walang ulo, kamay at paa dahil na rin sa tagal ng pagkababad sa tubig-dagat. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments