^

Probinsiya

Trader kinidnap sa Basilan

-
CAMP CRAME – Isang kilalang negosyante ang iniulat na kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay lulan ng pampasaherong sasakyan sa Barangay Pamucalin, Lantawan, Basilan.

Kinilala ang biktima na si Abdul Hifa Edris, samantala, isa sa mga kidnaper na nakilalang si Jemar Alawi ay agad namang nadakip sa isinagawang follow-up operation.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-9 ng umaga habang ang biktima kasama ang anak nito ay naglalakbay patungong Isabela City mula sa Barangay Shipyard, Maluso, Basilan.

Hinarang ng mga kidnaper ang sasakyan ng mag-ama at agad na tinutukan ng baril at kinaladkad sa hindi nabatid na lugar.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad matapos na maipagbigay-alam ang pangyayari na nagresulta sa pagkakadakip kay Alawi na positibong kinilala ng anak ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABDUL HIFA EDRIS

ALAWI

BARANGAY PAMUCALIN

BARANGAY SHIPYARD

BASILAN

CAMP CRAME

HINARANG

ISABELA CITY

JEMAR ALAWI

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with