9 katao timbog sa buy bust
June 1, 2003 | 12:00am
OLONGAPO CITY Siyam-katao na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga sa lungsod na ito at karatig-pook ang bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis-Olongapo sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa lungsod na ito.
Ang mga suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina Perlito Gabriel, 26; Arturo Felicitas, 20; Francisco Gonzales, 42; Benito Tiangco, 36; Danilo Ramos, 32; Jocelyn Lenido, 22; Lovely Buayes, 25; mag-asawang Abdul Asiz Manapao, 20, at Mia Salipudan, 18, na kapwa residente ng Pawataw St., Quiapo, Manila.
Kinumpiska ng mga tauhan ni P/Insp. Miguel Corpuz, hepe ng Presinto 6, ang dalawang kotse na may plakang WEH-450 at CPR-951 na nirentahan ng mga suspek para gamitin sa kanilang pagpapakalat ng droga.
Ayon kay Corpuz, isinagawa ang buy-bust bandang alas-8 ng gabi sa Gomez St., Barangay Barretto, Olongapo City at nakumpiska ang hindi pa nabatid na gramo ng shabu at drug paraphernalia sa loob ng dalawang kotse.
Napag-alaman pa ng pulisya na ang mag-asawang Abdul Asiz at Mia ay may nakabimbing kaso ng droga sa Maynila at kilalang nagpapakalat ng droga sa ilang bahagi ng Kamaynilaan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest