Mag-tiyuhin tusta sa kuryente
May 30, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling sumalakay si kamatayan makaraang makuryente ang magtiyuhin habang gumagawa ng washing machine sa kanilang bahay sa Molino II, Bacoor, Cavite kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Emilio Barandang, 42, at Pauline Paraon, 13, kapwa residente ng Block 3 Lot 6 Josua Street, Infant Jesus Subdivision ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat ng pulisya, kasagsagan ng malakas na ulan nang gumawa ng washing machine si Barandang bandang alas-10:30 ng umaga sa loob ng kanilang bahay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahawakan nito ang talop na linya ng kuryente at dahil na rin sa basa ng tubig ang sahig ay hindi na nakabitiw at nagkikisay.
Namataan naman ni Pauline ang pangyayari sa kanyang tiyuhin kaya sinaklolohan pero nadamay din hanggang sa rumesponde ang ilang kapitbahay ng mag-tiyuhin bago pa na-switch off ang linya ng kuryente.
Agad namang isinugod sa Molino Doctors Hospital ang magtiyuhin pero hindi na umabot pa ng buhay. (Ulat nina Cristina G. Timbang at Rene M. Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest