6 MILF patay sa engkuwentro
May 28, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Anim na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang kumpirmadong napatay, samantala, hindi naman nabatid ang bilang ng nasugatan makaraang makasagupa ng militar ang mga rebelde sa kagubatan ng Mlang, North Cotabato noong Lunes ng umaga.
Sinabi ni Major General Roy Kyamko, Armed Forces Southern Command chief, nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng 39th Infantry Battalion sa nabanggit na bayan nang makasagupa nila ang 40 rebeldeng MILF na pinamumunuan ni Commander Wahid na nakabase sa Barangay Budingan.
Napuruhan agad ang anim na rebelde sa unang bugso ng putok hanggang sa umatras ang MILF rebels makaraan ang isang oras na engkuwentro.
Narekober ng militar ang dalawang M14, 3 M16, M79 grenade launcher at mga bala ng B40-RPG.
Umaabot na sa 77 rebelde ang napapatay ng militar simula noong Mayo 17, 2003 makaraang ipag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na lipulin ang mga rebelde sa Mindanao. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest