Lola nilapang ng 12 baboy, todas
May 24, 2003 | 12:00am
Mabini, Batangas Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 74 anyos na lola matapos itong lapangin ng 12 baboy habang pinakakain ang kanyang mga alagang hayop sa bayang ito nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni P/Sr. Insp. Noel Sandoval, hepe ng Mabini Police ang biktima na si Juana Bantugon, ng Brgy. Estrella na natagpuang gutay-gutay na ang katawan sa loob ng piggery matapos papakin ng kanyang alagang mga baboy.
Ayon sa ulat, bandang alas-6 ng gabi ng umalis si Bantugon sa kanyang tahanan para pakanin ang gutom na gutom na nitong mga baboy sa kanyang piggery na may 200 metro ang layo mula sa tahanan ng matanda nang mabigo itong makabalik.
Nang hindi umuwi ang matanda ay sinundan ito ng isa nitong kamag-anak at laking gulat nito nang maabutan pa ang nalalabi pang katawan ng matanda habang kinakain ng kanyang mga baboy.
"Bukod sa mga mata, tenga at ibat-ibang bahagi ng kanyang mukha, kinain rin ng mga baboy ang kanyang braso at mga binti. Pati bituka ng matanda at lamang loob ay kinain na rin ng mga baboy ng matagpuan siya ng kanyang mga kamag-anak", pahayag ng mga imbestigador.
Sinabi naman ni Dr. Luisita Ramos, Municipal Health Officer sa bayan ng Mabini, posible umanong inatake sa puso ang biktima at hinimatay bago pa man ito kainin ng kanyang mga alagang hayop.
Kinumpirma naman ng pamilya ng biktima na may sakit sa puso at hypertension ang matanda.
Nagdesisyon naman ang pamilya ng biktima na patayin ang mga baboy na kumain sa matanda at ilibing na lamang ang nasabing mga hayop sa kanilang bakuran. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Victor Martin | 6 hours ago
By Omar Padilla | 6 hours ago
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am