Barangay secretary itinumba

BALATAN, Camarines Sur – Isang barangay secretary na sinundo sa kanilang bahay ang natagpuang patay na tadtad ng bala ng baril sa katawan sa Barangay Cabanban sa bayang ito kahapon ng umaga.

Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Romeo Adiova may 15 metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, bandang alas-11:30 ng gabi nang sunduin sa kanilang bahay ang biktima ng hindi kilalang lalaki kamakalawa.

Hindi naman pinigilan ng asawa ang biktima dahil sinabi nitong sandali lamang at may importanteng usapan hanggang sa matagpuang patay malapit sa kanilang bahay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments