^

Probinsiya

Senglot napatay sa suntok ng kapitbahay

-
ANTIPOLO CITY – Isang senglot na lalaki ang iniulat na napatay sa suntok ng kanyang kapitbahay makaraang batukan ang utol ng huli at suntukin naman ang ina kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Antipolo Community Hospital si Ricky Opanto ng Sitio Payong, Barangay Dalig sa lungsod na ito, samantala, ang suspek na agad namang inaresto ay nakilalang si Virgilio Fuentes.

Sa naitalang ulat ng pulisya, lango sa alak ang biktima nang dumaan sa harap ng bahay ng suspek at bigla na lamang binatukan nito ang kapatid ni Fuentes.

Agad namang isinumbong sa suspek ang naganap na pangyayari kaya kinompronta ang biktima hanggang sa maganap ang suntukan.

Bandang alas-5 ng hapon nang awatin ng ina ng suspek ang suntukan pero binalingan ng kamao ng biktima ang matanda kaya lalong nagalit si Fuentes.

Dito na hindi nilubayan ng suntok sa mukha ang biktima hanggang sa mawalan ng malay sa gitna ng kalsada. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANTIPOLO COMMUNITY HOSPITAL

BANDANG

BARANGAY DALIG

BINAWIAN

DITO

FUENTES

GEMMA AMARGO

RICKY OPANTO

SITIO PAYONG

VIRGILIO FUENTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with