Sa panayam ng DZMM, sinabi ni de Rueda na nag-iimbestiga pa ang DENR para tukuyin ang mga taong may direktang pananagutan sa trahedya kung saan dalawang minero ang namatay sa 19 na naging biktima ng landslide habang 17 naman ang nailigtas.
Kinatigan ni de Rueda si DZMM commentator Neal Ocampo, na bilang MGB at Mt. Diwalwal State Development Project Director ay may tuwirang command responsibility si Ramos at maaring kasuhan ng gross negligence, inefficiency at incompetence.
Si Ramos ay nabigo umano sa pagtupad sa kanyang tungkulin na nabulgar noong Marso 12, 2003 nang gumuho ang isang lunggang minahan na ideneklarang danger zone noon pang 1998 kung saan natabunan ang 19 katao.