2 barangay chairman pinatay
May 16, 2003 | 12:00am
Dalawang barangay chairman ang kumpirmadong itinumba sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa dalawang lalawigan kamakalawa ng gabi.
Si Barangay Chairman Alberto Rollon, 46, may asawa, residente ng Barangay Sabang, Naic, Cavite ay binaril ng dalawang beses sa ulo matapos ang paliga ng basketball sa kanilang lugar bandang alas-10:45 ng gabi.
Ayon kay PO2 Marcelo Bersamina, tiniyempuhan ng killer na tumayo ang biktima sa kinauupuang silya sa basketball court saka nilapitan sabay putok ng dalawang beses sa ulo.
Ilan sa mga nakasaksi sa krimen ay nagbigay ng impormasyon sa pulisya na hindi residente ng Barangay Sabang ang killer at pinalalagay na binayaran upang isagawa ang pamamaslang.
Kasunod nito, pinagsasaksak naman hanggang sa mapatay si Barangay Chairman Ruben De Vergara ng kanyang kabarangay habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Nato, Rangay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Bago malagutan ng hininga ang biktima ay nasambit pa ang pangalan ng suspek na si Danilo Buatis Jr. ng nabanggit din barangay.
Kinakapa pa ng pulisya ang motibo ng krimen na naganap bandang alas-11:30 ng gabi. (Ulat nina Cristina G. Timbang at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest