Resbak ng militar: 13 MILF patay
May 6, 2003 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Rumesbak naman ang tropa ng militar makaraang mapatumba ang labintatlong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa magkahiwalay na engkuwentro sa Matanog, Maguindanao kamakalawa.
Sa pahayag ni Major General Generoso Senga, commander ng Armys 6th Infantry Division, unang naganap ang engkuwentro matapos na tambangan ng mga rebelde ang trak ng 603rd Brigade patungo sa Camp Abubakar sa kahabaan ng Narciso Ramos Highway sa Barangay Campo Dos, Matanog.
Gumanti naman ng sunud-sunod na putok ang kasunod na trak ng militar mula sa bayan ng Parang hanggang tumagal ng isang oras ang engkuwento na ikinasawi ng walong rebelde.
Makaraang matunugan ng mga rebelde na papalapit na ang tropa ng militar ay nagpulasan sa ibat ibang direksyon.
Ayon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaang Matanog na karamihang nasawi ay pawang kabataang ni-recruit ng MILF sa ilalim ni Al-Haj Murad, chairman ng MILF peace panel.
Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ay ang 7.62 FAL sniping rifle, G-1 rifle, mga balang 40-MM, B-40 at two-way radio.
Habang nakikipagbarilan ang tropa ng mililtar sa Barangay Campo Dos ay sinalakay naman ng MILF rebels ang detachment ng militar malapit sa Barangay Sapad, Matanog, Maguindanao.
Agad namang pinabulagta ng mga sundalong sniper ang limang rebelde na nagtangkang lumundag sa perimeter fence ng kampo.
Mabilis, namang nagsiatras ang mga rebelde matapos na mawalan ng bala, ayon sa mga nakasaksi. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest