Sa pahayag ni Lt. Col. Preme Monta, tagapagsalita ng Armed Forces Northern Luzon Command (Nolcom), ang bilang ng mga nasawing kasapi ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) ay base na rin sa ulat ng mga residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bitbit ng mga tumatakas na rebelde ang kanilang kabaro na nasawi sa engkuwentro at agad na inilibing sa mababaw na hukay para hindi madiskubre ng militar.
Pinangunahan ni Kumander Domingo Tarekan, alyas Ka Delfin, Ka Pepe at Ka Lakay ang banatan sa naturang lugar hanggang sa umatras ang grupo ng mga rebelde dahil na rin sa lakas ng puwersa ng 24th Infantry Battalion.
Narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M-14 rifles, M-16, apat na granada, 305 bala para M60, 2-way radio, teleskopyo, 22 backpacks na naglalaman ng subersibong dokumento.
Ang RHB ay mahigpit na karibal ng New Peoples Army sa pakikibaka laban sa gobyerno. (Ulat ni Benjie Villa)