^

Probinsiya

7 libong workers sisibakin

-
CAMP CRAME – May posibilidad na masibak sa kanilang trabaho ang 7,000 manggagawa sa Davao City Hall makaraan ang dalawang pagsabog na naging sanhi para bumulusok ang ekonomiya.

Ito ang inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Labor Day kahapon dahil sa kakapusan ng pondo ng nabanggit na lungsod.

Sinabi pa ni Mayor Duterte na bibigyan nila ng prayoridad ang paglalaan ng pondo sa mga naiwanang pamilya ng mga nasawi sa dalawang pagsabog sa labas ng Davao International Airport at Sasa wharf.

Dahil sa naganap na dalawang pambobomba na ikinasawi ng maraming sibilyan ay naapektuhan ang turismo at maging ang mga mamumuhunan ay nagsilikas sa Davao City sa takot na madamay.

Idinagdag pa ni Mayor Duterte na paglalaan din ng pondo para sa seguridad ng lungsod at ang pagdagsa ng mga Pinoy na ipatatapon ng pamahalaang Malaysia.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DAHIL

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DAVAO CITY HALL

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

IDINAGDAG

LABOR DAY

MAYOR DUTERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with