Labor leader todas sa harap ng bahay
May 1, 2003 | 12:00am
ANGONO, Rizal Hindi na nakuha pang magmartsa patungong Mendiola ng isang labor leader para lumahok sa kilos-protesta ngayong Mayo Uno makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nasa harap ng sariling bahay sa Aguinaldo Street sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Walang buhay na bumulagta si Rolando del Rosario, 45, presidente ng unyong Nagkakaisang Manggagawa ng La Suerte Cigarette Factory at residente ng nabanggit na bayan.
Agad namang tumakas ng mga killer na sakay ng owner-type jeep matapos isagawa ang krimen bandang alas-7:15 ng gabi.
Kararating pa lamang ng biktima sa sariling bahay kasama ang asawang si Joyce mula sa pinapasukang pabrika nang biglang huminto ang isang owner-type jeep sa harap ng mag-asawa.
Ayon pa sa pulisya, sakay din ng owner-type jeep ang mag-asawa at habang binubuksan ang gate ng bahay ay inupakan na ang biktima kaya duguang bumulagta.
Pinaniniwalaan namang walang nakasaksi sa krimen maging ang asawang si Joyce ay hindi namukhaan ang mga killer dahil sa bilis ng pangyayari.
Kasalukuyang sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong sigalot sa unyon na posibleng may kaugnayan sa pamamaslang sa labor leader. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended