15 MILF, 4 kawal patay sa bakbakan
April 30, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Muli na namang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels na nagresulta sa pagkasawi ng labinlimang rebelde at apat sa panig ng militar sa Maguindanao at Lanao del Sur kahapon.
Napag-alaman sa ulat ng lokal na opisyal ng pamahalaan sa Sultan Gumander sa Lanao del Sur, naganap ang engkuwentro sa Barangay Baraha makaraang tambangan ng mga rebelde ang tropa ng militar na nagsasagawa ng beripikasyon sa presensya ng mga armadong kalalakihan.
Agad na bumulagta ang tatlong sundalo ng Phil. Army, samantala, labing-isa naman sa panig ng MILF.
Ang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalong kasapi ng 67th Infantry Battalion laban sa MILF rebels ay kinumpirma naman ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng mga rebelde.
Ayon pa sa ulat, ang bakbakan sa Lanao del Sur ay nasundan pa sa Barangay Gubat, malapit sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao makaraang ambusin ng mga rebelde ang trak ng 7th Infantry Battalion na ikinasawi ni Cpl. Dennis Aguidado.
Mabilis namang gumanti ang mga sundalo na naging sanhi para bumulagta ang apat na rebelde at pinaniniwalaang maraming nasugatang MILF habang nagpupulasan sa ibat ibang direksyon. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended