Muslim trader dinukot sa Sulu
April 26, 2003 | 12:00am
Camp Crame Dinukot ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan ang isang negosyanteng Muslim sa lalawigan ng Sulu kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay nakilalang si Harrib Talib, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Bato-Bato, Indanan, Sulu.
Base sa report, ang biktima ay kinidnap habang lulan ng isang pampasaherong jeepney na hinarang ng mga kidnappers sa highway ng Brgy. Buansa, Indanan dakong 5:30 ng hapon.
Napag-alaman na kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang naturang jeepney na kinalululanan ng biktima nang parahin ng isang grupo ng mga armadong lalaki.
Tinutukan umano ng baril at sapilitang kinaladkad ng mga suspek ang biktima patungo sa kahuyan kung saan wala namang nagawa ang driver at mga pasahero nito sa takot na paslangin ng mga kidnappers.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng pagdukot habang nagsasagawa na ng search and rescue operations para ligtas na mabawi ang negosyante. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Jorge Hallare | 18 hours ago
Recommended