^

Probinsiya

MILF bumanat na naman: 6 patay, 4 pulis hinostage

-
PAGADIAN CITY – Aabot sa anim-katao ang kumpirmadong nasawi at apat na pulis ang ginawang hostage makaraang tambangan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang dalawang pampasaherong bus saka nilusob ang isang bayan sa naganap na magkahiwalay na pangyayari sa Lanao Del Norte at North Cotabato, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Sinabi ni Major General Generoso Senga, regional military commander, unang tinambangan ng mga rebelde ang pampasaherong bus sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Miyerkules na ikinasawi ng apat na pasahero.

Isa sa napatay ay nakilalang si Dionisio Villaver, lokal na opisyal ng distrito; anak nito at dalawang escort.

Isinunod naman ng mga rebelde ang isa pang bus na bumabagtas malapit sa bayan ng Kolambugan, Lanao Del Norte na ikinasawi ng dalawa, samantala, siyam ang nasugatan kahapon.

Hindi pa nakuntento sa pananambang ng dalawang pampasaherong bus ay nilusob naman ang bayan ng Kolambugan saka nilusob ang police detachment sa Sitio Kulasihan, Barangay Malago, Lanao Del Norte.

Hindi pa mabatid kung ilan ang hinostage na sibilyan pero ayon sa source, apat na pulis ang ginawang bihag makaraang atakihin ang police detachment, samantala, pinasabog naman ang tulay na nag-uugnay sa bayan ng Kolambugan para maparalisa ang mga motorista.

Inamin naman ni Eid Kabalu, MILF spokesman na sangkot ang kanyang mga tauhan sa pananabotahe na pinamumunuan ni Abdulrahman Macapaar, alyas Kumander Bravo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABDULRAHMAN MACAPAAR

BARANGAY MALAGO

DANILO GARCIA

DIONISIO VILLAVER

EID KABALU

KOLAMBUGAN

KUMANDER BRAVO

LANAO DEL NORTE

MAJOR GENERAL GENEROSO SENGA

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with