^

Probinsiya

130 bahay sinunog ng MILF rebels

-
COTABATO CITY Umaabot sa 130 bahay ang sinunog at pinabagsak ang transmission tower ng Napocor ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa magkahiwalay na bayan sa Maguindanao kamakalawa.

Sinabi ni Major General Generoso Senga, commander ng Army’s 6th Infantry Division, isinagawa ang pagsunog sa mga bahay na sakop ng Barangay Andavit at Te sa Datu Piang habang papatakas ang mga rebelde makaraang makipagbarilan sa mga nagpapatrulyang sundalo.

Ayon pa kay Senga, nagsasagawa ng beripikasyon ang mga sundalo ng 37th Infantry Battalion tungkol sa presensya ng mga armadong kalalakihan na nangungolekta ng revolutionary taxes sa mga residente nang magpaulan ng sunud-sunod na putok ang mga rebelde.

Napilitang gumanti ng putok ang tropa ng militar hanggang sa magpulasan ang mga rebelde sa iba’t ibang direksyon.

Kasunod nito, pinabagsak naman ng mga rebelde ang transmission tower ng National Power Corporation (Napocor) na nakatayo sa Barangay Kayaga, Buluan, Maguindanao na nagresulta sa malawakang blackout. (Ulat ni John Unson)

BARANGAY ANDAVIT

BARANGAY KAYAGA

DATU PIANG

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

MAJOR GENERAL GENEROSO SENGA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with