7 bahay sinunog ng MILF, 1 patay
April 21, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 61-anyos na lolo ang iniulat na nasawi, samantala, pito namang kabahayan ang sinunog makaraang salakayin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Barangay Angga-an, Damulog na sakop ng Bukidnon kamakalawa ng umaga.
Si Bonifacio Dalon, may asawa, ay pinagbabaril hanggang sa mapatay makaraang lumaban sa mga rebelde na sumalakay sa nabanggit na barangay dakong alas-7 ng umaga.
Samantala, pito namang kabahayan ang sinunog, at ang bodega ng palay at mais na pag-aari ni Rodolfo Tirado Sr. ay binuhusan ng gasolina bago sinilaban.
Napag-alaman pa sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bago pa tumakas ang mga rebelde ay napagtripang barilin at napatay ang isang kabayo habang tinangay naman ang dalawang kalabaw at kabayo.
Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang mga tauhan ng pulisya at tropa ng militar mula sa 8th Infantry Battalion ng Philippine Army. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended