Naarestong bomber kinasuhan ng multiple frustrated murder
April 20, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Sinampahan ng kasong multiple frustrated murder sa piskalya ng Koronadal City ang nag-iisang suspect na pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa lungsod na ito noong nakaraang buwan kung saan 5 katao ang nasugatan.
Ang kinasuhan ng multiple frustrated murder ay si Acquino Duma, nasa hustong gulang ng nasabing lungsod.
Ayon kay Supt. Leopoldo Bataoil, PNP spokesman, si Duma ang itinuturong nagtanim ng bomba sa Koronadal public market noong Marso 26.
Sinabi ni Carito Pascual, nakita niya ang isang kulay itim na plastic container na pinaglalaruan ng mga bata kaya agad niya itong ibinigay sa duty guard na si Louie Canon.
Habang iniinspeksyon ni Canon ang nasabing plastic container at nabatid na improvised bomb ay agad inilagay sa layong 6 na metro mula sa palengke saka tumawag ng bomb disposal unit.
Pero biglang sumabog ang nasabing bomba kung saan ay lima katao ang nasugatan habang naaresto naman matapos ang matinding surveillance ng pulisya si Duma. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest