3 paslit nalunod sa beach
April 14, 2003 | 12:00am
SARIAYA, Quezon Napalitan ng lungkot ang masayang outing ng tatlong pamilya makaraang malunod ang tatlong paslit na magpipinsan sa beach resort sa Barangay Bignay Uno sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Ricardo Padilla, police provincial director, nakilala ang mga nasawing biktima na sina Kim Verano, 8; Jason Ramos, 11 at Romeo delos Reyes, 8 na pawang residente ng San Antonio, Quezon.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo ang tatlong pamilya kasama ang mga nasawing biktima sa Tayabas Estate Beach Resort noong Abril 10, 2003 para idaos ang Mahal na Araw.
Bandang alas-4 ng hapon nang magpaalam ang tatlo sa kanilang mga magulang para maligo sa baybaying-dagat ng naturang beach resort.
Magtatakip-silim na ay hindi pa bumabalik ang mga biktima kaya agad namang hinanap ng kanilang pamilya hanggang sa lumutang ang bangkay ng tatlong paslit sa malalim na bahagi ng beach.
Pinaniniwalaan naman ng pulisya na napadpad sa malalim na bahagi ng dagat ang tatlo at hindi pa marunong lumangoy kaya minalas na nalunod. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest