Kampo ng NPA nakubkob
April 13, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang kampo ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nakuha ng militar matapos ang may 2-oras na palitan ng putok kung saan ay isang rebelde ang nasawi at isa pang NPA ang naaresto kamakalawa sa Bayugan, Agusan del Sur.
Hindi kaagad nakilala ang nasawing rebelde habang ang naarestong NPA ay si Juanito Bayong Sag-ud na kasalukuyang sumasailalim ng tactical interrogation.
Ayon sa tinanggap na report ni AFP chief of staff Gen. Narciso Abaya, dakong alas-9:30 ng umaga nitong Biyernes nang salakayin ng mga tauhan ng 36th Infantry Battalion ng Army ang kampo ng mga NPA sa Sitio Maybunga, Brgy. San Juan.
Natukoy ng militar ang kuta ng mga rebelde mula sa kanilang civilian asset kaya agad nila itong sinalakay hanggang sa manlaban naman ang may 25 NPA.
Tumagal ng 2-oras ang palitan ng putok hanggang sa tuluyang tumakas ang mga NPA.
Isang bangkay ng rebelde ang nakuha sa isinagawang clearing operations habang naaresto naman si Sag-ud sa aktong tatakas ito.
Dalawang M-16 rifle; 1 M-14 armalite; 1 shotgun, 1 bala ng B-40 at isang combat pack na naglalaman ng medical kit ang nabawi din sa nasabing kampo ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest