Grade 10 student nahulihan ng baril sa iskul
MANILA, Philippines — Isang Grade 10 student ang nahulihan ng isang caliber 45 pistol sa loob ng isang paaralan sa Bgy. Dalakit, Catarman, Northern Samar, nitong Huwebes.
Ayon kay Police Regional Office 8, isang kaklase nito ang nakakita na may bitbit na baril ang 15-anyos na estudyante at agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang guro.
Nakuha sa bata ang 4 na magazine at 10 bala kung saan walang serial number ang naturang baril.
Sinabi ni PRO-8 Regional Public Information Office, Lt. Col. Anna Armeza, sinabi ng 15 anyos na estudyante na ang baril ay pagmamay-ari ng kanyang tatay at wala umano itong target na kahit sino sa paaralan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, habang nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office for assessment and appropriate intervention in accordance with applicable laws and procedures ang bata.
- Latest




















