DENR official pinasisibak

Hiniling ng mga pamilya ng biktima ng minahan sa Mt. Diwalwal kay DENR Secretary Elisea Gozun ang pagsibak kay Director Horacio Ramos ng Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB).

Nanawagan din ang mga kamag-anakan ng biktima ng mining tragedy kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang agarang pagpapatalsik kay Ramos dahil sa pagpapabaya sa tungkulin.

Napag-alaman sa ilang empleyado ng MGB, hindi nabigyan ng pangunahing solusyon ang pagbabantay sa kaligtasan ng mga minero sa naganap na trahedya.

Show comments