7 sugatan sa atake ng MILF rebels
April 10, 2003 | 12:00am
KAUSWAGAN, Lanao del Norte Umaabot sa pitong sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang magpaulan ng rifle grenade ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabahayan sa Upper Kawit sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng shrapnel sa katawan ay nakilalang sina Rosie Jenon, 34; Jonwen Jenon, 17; Jonalyn Jenon, Vencio Fuentes, Junie Ceno at Jocelyn Culita, samantala, nasa kritikal naman kondisyon si Jimmy Lumulho na ginagamot ngayon sa Cagayan de Oro City.
Bandang alas-2 ng madaling-araw nang salakayin ng mga rebelde ang naturang lugar hanggang sa magresponde ang tropa ng Armys 28th Infantry Battalion at Police Regional Mobile Group na umabot sa national highway ang bakbakan.
Nagsitigil naman ang mga bumibiyaheng pampasaherong sasakyan at nagpulasan ang pasahero para iwasan ang banatan ng tropa ng militar at mga rebelde.
Itinaon ng mga rebelde ang pagsalakay habang naghahanda ang mga residente sa annual fiesta sa darating na linggo at ang pagdaraos ng Palarong Pambansa sports event sa Lanao del Norte sa darating namang buwan. (Ulat ni Lino Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest