Karitela nahulog sa ilog: Mag-iina nalunod
April 7, 2003 | 12:00am
SAN FELIPE, Zambales Apat na miyembro ng pamilya ang kumpirmadong nasawi makaraang mahulog ang sinasakyang karitela sa malalim na ilog sa Sitio Yangil, Barangay Maloma sa bayang ito noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Elisa Capinding Dolojan, 38; mga anak na sina Oliver, 5; Nelson, 2 at Eva, isang taong gulang na pawang residente ng Sitio Banawin ng nabanggit na barangay, samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si Nanie Antonio, 15, pinsan ng mga batang biktima.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Johnny Pascacio, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang trahedya dakong alas-10 ng gabi matapos na tumugil sa gilid ng ilog ang karitela na hatak ng kalabao.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang uminom ang kalabao sa ilog na naging dahilan para mahulog ang mga biktima mula sa sinasakyang karitela.
Nakahingi naman ng saklolo ang nakaligtas na si Antonio sa mga kinauukulan, ngunit hindi na inabutan buhay paa ang mga biktima. (Ulat ni Erikson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am