^

Probinsiya

Kawatan na gumulpi kay mister, binaril ni misis

-
Cabanatuan City – Binaril at napatay ng isang ginang ang isa sa mga pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Akyat Bahay gang matapos nitong pagsusuntukin ang kanyang mister nang pasukin at pagnakawan ang kanilang tahanan sa Brgy. Mayapyap Sur ng lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek ang tahanan nang mag-asawang Reynaldo at Nelia de Guzman sa Nicolas Compound sa naturang barangay.

Dahil umano sa kaluskos ng tatlong kawatan ay nagising ang mag-asawa, bunsod upang saktan ang mga ito ng mga suspek pati ang pamangkin nilang si Angelie Zenarosa.

Hindi naman nasiraan ng loob ang ginang at habang ginugulpi ng mga suspek ang kanyang asawa ay gumapang ito patungo sa kanilang silid at kinuha ang nakatago ritong baril kung saan ay nabaril ang isa sa mga magnanakaw habang nakatakas ang dalawa pa.

Umaabot naman sa mahigit P 50,000 halaga ng cellphone, mga alahas at cash ang natangay ng mga suspek na ngayo’y pakay ng manhunt operations ng mga awtoridad. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

AKYAT BAHAY

ANGELIE ZENAROSA

BINARIL

BRGY

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

DAHIL

MAYAPYAP SUR

NICOLAS COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with