^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
6 tulak timbog sa P.6-M shabu
CAMP CRAME – Anim na tulak ng droga ang iniulat na nalambat ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang makumpiskahan ng P.6 milyong shabu sa magkahiwalay na lalawigan sa Bataan at Davao Oriental.

Bandang alas-3:30 ng hapon kamakalawa ng isagawa ang operasyon sa Piassa Hotel sa Barangay Baseco, Mariveles, Bataan kaya nalambat ang mga suspek na sina Alimzar Badio at Wilfredo Carion at nakumpiskahan ng 150 gramo ng shabu.

Samantala, ang mga suspek na sina Rommy Canuza, Iven Canuza, Erwin Labang at Joan Balili ay nalambat sa isinagawang buy-bust operation sa Davao Oriental at nakumpiskahan ng 158.924 gramo ng shabu. (Ulat ni Danilo Garcia)
Mister tinodas sa harap ng misis
MAGALLANES, Sorsogon – Pinagbabaril at pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 56-anyos na mister ng magkakapatid sa harap mismo ng sariling misis habang nagpapahinga sa kanilang bahay sa Barangay Bigaa sa bayang ito kahapon ng tanghali.

Walang buhay na nilubayan ang biktimang si Salvador Belangel, magsasaka, samantala, ang isa sa suspek na si Pedro Blancaflor ay sumuko naman sa pulisya habang sina Lanley at Domingo Blancaflor ay mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen bandang alas-12 ng tanghali.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, katatapos pa lamang na mananghalian ng mag-asawa bago nagpahinga nang biglang pumasok ang tatlong suspek at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)
Pulis dinedo sa plantasyon ng niyog
CAMP CRAME – Isang pulis-Dilasag ang iniulat na niratrat hanggang sa mapatay ng dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nagtatrabaho sa kanilang plantasyon ng niyog sa Sitio Casalogan, Dilasag, Aurora kamakalawa ng umaga.

Sampung tama ng bala ng M-16 rifle ang tumapos sa buhay ni SPO2 Hernando Castillo ng nabanggit na barangay.

Naitala ang pamamaslang bandang alas-8:15 ng umaga habang ang biktima kasama ang manugang na si Reynaldo Goteng at pamangking si Regie Rapista ay namimitas ng niyog.

May palagay ang mga imbestigador na bagong mga recruit ang dalawang rebelde na nasa test mission. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALIMZAR BADIO

BARANGAY BASECO

BARANGAY BIGAA

DANILO GARCIA

DAVAO ORIENTAL

DILASAG

DOMINGO BLANCAFLOR

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with