^

Probinsiya

5 preso pumuga

-
CAMP NAKAR, Lucena City – Limang preso kabilang na ang nasakoteng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nakapuga sa San Francisco, Quezon Municipal Jail kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga presong may nakabinbing kaso sa korte na sina Rexmar Doldan, 19, na may kasong pagnanakaw; Engracio Ruben, 20 (homicide); Pedro Rala, 36 (rape); Cristobal Bandonili, 17 (rape) at Darwin Rodas, kasapi ng rebeldeng NPA na may kasong 2 counts ng murder at illegal possession of firearms.

Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto si PO2 Mario delos Reyes kapag napatunayang nagpabaya siya sa tungkulin bilang guwardiya.

Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, naitala ang jailbreak bandang alas-2 ng madaling-araw matapos na lagariin ng mga preso ang rehas na bintanang bakal bago nagtuloy sa bubungan at nagpulasan sa iba’t ibang direksyon.

May palagay ang mga imbestigador na nakatulog ang guwardiya at hindi namalayan ang pagtakas ng mga preso. (Ulat ni Tony Sandoval)

CRISTOBAL BANDONILI

DARWIN RODAS

ENGRACIO RUBEN

LUCENA CITY

NEW PEOPLE

PEDRO RALA

QUEZON MUNICIPAL JAIL

REXMAR DOLDAN

RICARDO PADILLA

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with