Indonesian hostage ng ASG namatay
February 26, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Matapos ang walong buwang pagkakabihag sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), nasawi umano matapos dapuan ng malubhang karamdaman ang isa sa tatlo pang nalalabing hostage na Indonesian crewmen sa lalawigan ng Sulu.
Ang pagkasawi sa hindi pa matiyak na karamdaman ng nasabing Indonesian ay kinumpirma ni Brig. Gen. Romeo Tolentino, Deputy Commander ng AFP Southcom.
Ayon kay Tolentino, natuklasan ang pagkamatay ng dayuhang bihag matapos ang isang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng may 20 bandido kahapon ng umaga sa Sulu pero siniguro ng opisyal na hindi sa bala namatay ang naturang hostage.
Sinabi ni Tolentino na nagkawatak-watak na rin ang grupo ng ASG bunsod na rin ng masusing operasyon ng militar laban sa mga ito at sa iba pang lokal na terorista.
Ipinagmalaki naman ni Tolentino na umaabot na lamang sa 225 ang kabuuang miyembro ng bandidong grupo subalit nagsasagawa pa rin ang mga ito ng recruitment.
Sa kasalukuyan ay hawak pa rin ng mga bandido ang dalawa pang Indonesian crewmen at apat pang miyembro ng Jehovahs witness na ipinagpapalipat-lipat ng mga ito ng taguan sa kagubatan ng Sulu.
Magugunita na hinostage ng mga bandido ang grupo ng mga Indonesian crewmen habang naglalayag lulan ng MT Sentinel 88 malapit sa Capul Island sa pagitan ng karagatan ng Basilan at Sulu noong nakalipas na Hunyo 17, 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am