^

Probinsiya

World War II bomb narekober

-
CAMP AQUINO, TARLAC – Isang vintage bomb noon pang panahon ng World War II ang nahukay ng mga tauhan ng Phil. Army sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Sapang Tagalog sa bayang ito kamakalawa.

Ayon kay AFP-Northern Luzon Command Chief, Major General Romeo Dominguez, ang nasabing bomba ay aksidenteng nahukay ng 1st Explosives Ordinance Division (EOD) at Area Support Command ng Phil. Army sa pamumuno ni Major Miguelito Reyes sa nasabing lugar bandang alas 2:00 ng hapon.

Ang narekober na bomba na pinaniniwalaang naiwan noon pang panahon ng mga Hapones nang sakupin ng mga ito ang bansa ay isang 105 MM Howitzer.

Napag-alaman na kasalukuyang naghuhukay ang mga tauhan ng Tarlac Water System sa nasabing lugar nang mahukay ang nasabing bomba at agad itong inireport sa mga awtoridad.

Dinala na ang narekober na vintage bomb sa headquarters ng 1st EOD para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AREA SUPPORT COMMAND

AYON

CHRISTIAN RYAN STA

EXPLOSIVES ORDINANCE DIVISION

MAJOR GENERAL ROMEO DOMINGUEZ

MAJOR MIGUELITO REYES

NORTHERN LUZON COMMAND CHIEF

SAPANG TAGALOG

TARLAC WATER SYSTEM

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with