Trike vs van: 2 dedo, 2 grabe
February 24, 2003 | 12:00am
SAN LEONARDO, Nueva Ecija Dalawa-katao ang iniulat na nasawi, samantala, dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang traysikel at van sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay San Anton sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Gonzales General Hospital sina Rodel Mangalino at Michael Villagarcia, samantala, ang nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang sina Adrian at Freddie Alvarez na pawang residente ng Barangay San Anton.
Naitala ang aksidente bandang alas-9:10 ng gabi makaraang magsalubong ang traysikel na walang plaka at van (UST-256) na minamaneho naman ni Rodolfo Castillo ng Barangay Nuesa, Roxas, Isabela.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, tumilapon ang traysikel ng may ilang metro bago tumaob na ikinasawi ng dalawa.
Inaalam pa ng pulisya kung ang van o traysikel ang lumipat sa kabilang linya ng highway kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest