Ayon kay Major General Roy Kyamko, Southern Luzon Command (SOLCOM) commander, ang naturang kampo ay inabandona ng may anim na buwan matapos na magsagawa ng sunud-sunod na operasyon ang tropa ng militar.
Sinabi ni Lt. Col. Eliseo Posadas, 76th IB commanding officer na aksidente lamang ang pagkakatuklas sa mga kampo, nagsasagawa umano ng security operation sa dalawang magkalapit na barangay ang kanyang mga tauhan nang matuklasan ang mga kampo na napapalibutan ng mga matataas na punong kahoy at talahib.
May teorya ang militar na ang mga kampo ay ginamit ng mga rebelde sa kanilang pagsasanay ng mga bagong miyembro at kanlungan sa tuwing magbabalak ng panibagong operasyon laban sa mga sundalo. (Ulat ni Tony Sandoval)